h1

bakit mabenta ang gucci.

March 22, 2008

ka-chat ko kagabi si lenggai matapos ang kanyang apat na araw na pagpapakasasa sa laman sa komersyalisadong beach ng boracay.

kagabi niya lang nalaman ang tungkol sa gucci gang.

“sinetch sila?”

“anukaba? blogger ka ba? sila ang mga bagong sikat sa mundo ng blogging. tinalo pa ang apat na sikat ng jollibee noon. heto ang link…”

ilang minuto pagkabigay ko ng link, natahimik na ang aminadong tapa queen. (dahil sunog na sunog daw siya sa boracay)

“hello?”

“sino si tina tinio? wala na si tim sa inquirer?”

umpisa pa lang, hindi na tumigil si lenggai sa kababasa ng kuwento ng buhay ng talentadong si mr. montano at ng mga kaibigan niya.

pero sino nga ba sila? at bakit ba may pakialam ngayon ang buong mundo sa pinaggagagawa nila? bakit ba araw-araw eh sinusundan natin ang mga bagong kabanata sa blog ni brian gorrell, ang bida/kontrabida (depende sa punto de bista ninyo) sa epikong tumatabo ngayon sa takilya ng blogging.

Ayon sa aking pagsasaliksik, ang dahilan kung bakit mabenta ang buhay ng mga mayayaman sa mga masang tulad ko at tulad ninyo ay dahil isa itong mundong hindi karaniwang ipinapakita o inilalathala sa publiko.

Aspirational ika nga nila sa mundo ng telebisyon.

Bakit nga ba tayo naaliw kapag nakakapanood tayo ng mga lifestyle shows? Natutuwa kapag pinapakita sa TV ang bahay ni Ate Shawie? O kaya ang kuwarto ni Christian Bautista? Bakit ba tutok na tutok tayo sa TV kapag may sikat na personalidad na nagbubukas ng isang pribadong bahagi ng buhay nila?

Nagkakaroon kasi tayo ng pagkakataong makasilip sa mundong ginagalawan ng mga mayayaman… makita ang buhay ng mga alta de sociedad… mabasa ang gawain ng mga taong ipinanganak na may gintong kutsara sa bibig… masulyapan ang isang bahagi ng buhay ng mga miyembro ng high society.

In short, dukha ka. Dukha ako. Dukha tayo. Wala tayo ng meron sila. Kaya aliw na aliw tayong nakikita ang mga bagay na pinagsasasaan nila.

(Tulad diumano ng cocaine?)

Isa pa raw rason, natural ding tsismoso ang mga Pilipino. Kaya naman supah powerful ang media rito sa Pilipinas ay dahil sa need o pangangailangan ng mga Pilipino na malaman kung ano ang nangyayari sa paligid nila, may kinalaman man ito o wala sa personal na buhay nila. Nagkaroon tayo ng tsansang masilip ang mundong ginagalawan ni eventologist Tim Y., socialite Tina T., fashion diva Celine L., at si DJ M., na sa totoo lang, hindi ko kilala, (well, hindi ko naman sila lahat kilala, dukha ako, remember?) kaya tuwang tuwa tayo na mabasa na ito pala ang ginagawa nila sa mundo nila.

Na si ganito pala ay adik sa ganito… at si ganito ay maliit ang ganun… at si ganyan ay nangamal ng malaking ganyan. (mahirap na maglagay ng pangalan, baka madawit ako sa demandahan.)

Case of crab mentality? Hindi naman. Ang crab mentality kasi, hinihila mo pababa ang mga umaakyat sa tagumpay. Eh ito naman, nakikibasa lang naman tayo ‘di ba? Hindi naman natin wini-wish na bumagsak silang mga involved sa kinalalagyan nila, ‘di ba? (weh?)

Case of envy? puwedeng oo, puwedeng hindi.

dahil mayaman sila at mahirap tayo? dahil sikat sila at sino ba tayo?

I don’t know. I don’t care. And I don’t give a damn about what other people think about it.

Aminado ako, binabasa ko ang blog na ito. Inaabangan ang bawat bagong entry. Sinusundan ang mga kabanata mula nang magsimulang magsulat si Brian noong March 4.

Bakit?

It’s freakin’ entertaining. It’s a guilty pleasure. It’s like Beverly Hills 90210, or Gossip Girl, or Marimar (the original version) for goodness’ sake. Isama mo pa si Eugene, Voltes V, Mara Clara at Encantadia (oo, nanonood ako nito noon).

Kung anuman ang rason ninyo sa pagsunod sa kuwentong ito, eh inirerespeto ko iyun. Kanya-kanyang trip tayo. Walang basagan ng trip ika nga nila.

Mabenta sila, mabenta ang kuwento ng buhay nila. Sorry na lang sa kanila dahil may isang taong nangahas magbukas ng pinto sa daigdig nila.

at pumasok ang buong sanlibutan dito, kahit pa ‘di naman kami imbitado.

Nga pala, idinadawit na ngayon sa blog ang apo ni Imelda.

My gosh, ang juicy, juicy, juicy talaga nito di ba?

h1

return of the comeback.

March 20, 2008

testing.

***********

if i write here again, will you still read my thoughts?

abangan.

h1

an explanation.

February 1, 2008

i guess i owe you guys an explanation why i wanted to quit this blog.

sabi nga ni hitori, ipaliwanag ko kung bakit ayoko na mag-blog.

pero hindi ko rin alam kung paano ito sasabihin.

after my trip to london, my perspective in life changed.

feeling ko ang laki ng mundo. feeling ko ang dami ko pang puwedeng gawin. feeling ko puwede akong mabuhay dun.

i just don’t know how to start anew.

hindi ko alam kung paano ko isusulat iyung nasa isip ko, iyung nararamdaman ko.

i want to tell you guys what i am going through right now, pero feeling ko hindi na ako malaya sa blog na ito.

at hindi ko alam kung bakit.

siguro babalik ako sa pagsusulat rin dito kapag okay na ako.

siguro gagawa ako ng bagong blog.

siguro kailangan ko ng mga bagong experiences sa buhay para may bago akong maisulat dito.

hindi ko alam.

magulo ang utak ko ngayon. magulo ang isip ko.

kaya magpapaalam muna ako sa inyo.

babay.

**********

wrote this part today (feb.2).

i feel bad.i feel angsty.

i feel numb.

i quit.

h1

i wanna quit.

January 22, 2008

this blog.

this “life.”

h1

Bakit Mahal Ko Ang London.

January 14, 2008

Sa kabila ng pamumula ng ilong ko at pamamaga ng tonsils ko dahil sa sobrang ubo at sipon na dinaranas ko ngayon…

Mahal ko pa rin ang London.

I love it more than New York.

It’s actually like New York, but more laidback, and tolerable to live in.

And the diversity of culture…. wow.

Ibang klase ang lipunan rito. Dama mong pantay-pantay kayo (kahit pa alam naman nating hindi maiiwasan ang diskriminasyon) dahil talagang minamahal ng bawat lahing nakikita ko ang kanilang sariling pagkakakilalanlan.

Halimbawa na lang, sa Tube (Subway version ng London), aakalain mong puro inglisan ng inglisan ang maririnig mo… pero hindi.

Ang bawat lahi, sinasalita ang kanilang mga sariling lengguwahe. Mapa-Briton, Pinoy, Aprikano, Italian, French, at kung ano-ano pa.

At damang dama mo na halo-halong kultura ang sama-samang nabubuhay sa siyudad na ito. At heto ka pa, kanya-kanyang self-expression ang mga tao rito.

Bagamat kung ikukumpara mo ang fashion statement ng mga New Yorkers sa mga Briton, walang panama ang UK, dahil halos puro itim at gray ang kulay ng mga winter jackets dito, ‘di tulad sa NY na talagang makulay ang buhay, este, ang mga damit ng mga tao, kahit pa winter.

Pero naman, ang self-expression ditto, talagang kanya-kanyang istilo, at walang basagan ng trip. May punk, may goth, may karaniwang tao, may hapit na hapit na damit, may mga hiphop, may mga muslim, may mga konserbtibong kristiyano, mga hudyo.

Basta, halo-halo.

At damang dama ko na malapit na akong manirahan dito. Iyung feeling ko talaga na babalik ako rito.

As in.

May isang linggo pa ako rito para damhin pa lalo ang London.

Pero nararamdaman kong makababalik ako rito. Ewan ko ba. Para kasing feel na feel kong tagarito na ako.

Lagi ko nga sinasabi sa mga kasama ko, “kaya kong mabuhay rito. Gusto ko tumira rito. Gusto ko mag-aral rito.”

Haaay.

Pictures to follow. Matagal kasi mag-upload ng pictures. Eh mahal ang internet dito. £3 kada oras. Kapag nag-convert ka, halos P250. Pakshet dib a. at nakaka-tatlong oras na ako, ibig sabihin, P750 na nagagastos ko rito, internet pa lang.

Gagawa ako ng mas matinong entry kapag nagkaroon ako ng mas mahaba-habang panahong magsulat at mag-isip.

Dahil ngayon, punong-puno ng sipon ang utak ko.