h1

gulo-gulo-gulo.

April 22, 2008

minsan hindi maintindihan kung bakit ako nandito.

gusto ko ng bagong buhay.

pero hindi pa rin ito binibigay.

ang tumatatak lang sa isip ko:

sumunod ka.

alam Niya ang plano Niya sa iyo.

kahit pa nahihirapan na ako.

wala akong masabihan.

dahil alam ko rin naman ang sasabihin sa akin.

ayan ka na naman.

sa paulit-ulit mong litanya at katuwiran.

masama bang magkuwento?

kung mabibili lang ang tenga.

matagal na akong namakyaw.

para lang may makikinig.

hindi ako nanghihingi ng opinyon.

o kahit payo, kung ayaw nyong ibigay ‘to.

ang sa ganang akin lang…

pakinggan nyo ako.

4 comments

  1. i just got back into the circuit, i don’t know for how long. hinanap ko kung nagba-blog ka pa, at eto ang na-discover ko. dapat nag-meet tayo sa UP nung tumawag ka. hanep ka kasi tumayming. mag-meet tayo. i-set mo. libre lang ang tenga ng mga campos para sa’yo parati.


  2. oo nga eh. kilala nyo naman ako, mahilig ako sa biglaan.


  3. just holler if you need someone to talk to. i’ll always be ready to listen. seriously. ayun nga lang, baka di mo kayanin ang mga ihihirit ko. haha. :)


  4. hoy brugada! eh bat di ka nagsasalita? sabagay, wala ako palagi sa opisina at pareho tayong nalulunod sa kanya-kanya nating buhay… pero ika nga ni Dory sa Finding Nemo: Just keep swimming… just keep swimming.


Leave a Comment