h1

NO KUBETA!

April 3, 2008

“NO KUBETA!”

I-Witness ni Sandra Aguinaldo

Ngayong Lunes: Abril 7, 2008

Bahagi ito ng ating ritwal tuwing umaga. Kubeta, palikuran, kasilyas, CR… Anupaman ang tawag mo rito, lahat tayo aminadong mahalagang parte ito ng ating pang-araw-araw na buhay.

Kaya nakagugulat malaman na marami pa pala sa mga bahay sa Pilipinas, walang kubeta!  Sa pinakahuling  sanitation survey na isinagawa ng Department of Health, lumalabas na hindi lang sa probinsya may kakulangan ng ganitong pasilidad, kundi maging sa mga malalaking siyudad sa Metro Manila at karatig-bayan nito.

Ngayong Lunes sa I-Witness, haharapin ni Sandra Aguinaldo ang bumabahong problema ng kawalan ng palikuran — at ang epekto nito sa ating kalusugan at kapaligiran.

Sa probinsya ng Rizal na kabilang sa Mega Manila, tinatayang kalahating porsyento ng populasyon ang walang CR.  Uso pa rin daw ang “hukay” system sa mga bukid, o kung hindi man, diretso na sa Ilog. At kapag inabot ng gabi ang call of nature, sa plastic o arinola na lang sila dumudumi, sabay tapon sa bukid.

Sa lunsod ng Caloocan , naging gawi na ng mga bata ang dumumi sa mga kanal at iskinita. Wala raw kasi silang perang pampatayo ng banyo. Ayon naman sa City Administrator, dahil sa itinuturing silang mga iskwater, walang dahilan para patayuan sila ng public restroom dahil gigibain din daw ang kanilang mga kabahayan.

Isang kakaibang dokumentaryo tungkol sa “No Kubeta!” ang hatid ni New York Festivals Gold at Silver Medalist Sandra Aguinaldo ngayong Lunes ng hatinggabi sa I-Witness, pagkatapos ng Saksi sa GMA-7.

“NO KUBETA!”

Sandra Aguinaldo’s I-Witness Docu

Airing Monday: April 7, 2008

In the most recent sanitation survey of the Department of Health, a huge chunk of our population still lacks a very important facility in their homes: the comfort room!

But what’s more surprising is this: majority of residents even in developed urban areas still do not have proper toilets.  Sandra Aguinaldo faces this pressing sanitation issue in her I-Witness documentary this Monday. 

50% of Rizal province’s more than one million residents do not have toilets. Sandra goes to Jalajala, Rizal and discovers that until now, locals either go to the river to answer the call of nature, or use the old system of digging their own “dump” site.

Meanwhile, children in Caloocan city’s urban poor areas have grown accustomed to defecating on the streets and in canals. Residents are too poor to finance the building of a public restroom, while the local government argues there is no point in such a project, as they are illegal settlers whose houses will soon be demolished.

This often amusing and yet disturbing documentary on the lives of Pinoys with “No Kubeta!” is brought to you by New York Festivals Gold and Silver Medalist Sandra Aguinaldo.  It airs Monday late night over GMA-7’s I-Witness.

9 comments

  1. Sana gising pa ako nito para mapanuod ko! :-)


  2. ayoss! wala kaming pasok sa tuesday!
    bwahahahahahaha! XD


  3. naku manood ako nyan…

    ako na ata ang pinaka-sensitive na lalake pagdating sa kubeta.


  4. Potah nakatulog ako.


  5. sana meron akong time manuod ng late night dokyu ng GMA… I miss i-witness, huhuhu!


  6. ako lagi ako nanonood ng ducumentaries sa GMA.ang galing! Minsan sa youtube ako naghahanap para yung iba na hindi napanood eh mapanood ko.


  7. meron na ba sa youtube o pwede ko mapanood yan sa GMA site? dito naman sa alemanya ang problema yung mga dumi ng mga aso na kakapikon naman po talaga, waaahhh. itong mga little kengkays ko, kapag hindi nila type ang toilet, hindi na daw sila naiihi… nangyayari yan dito sa alemanya kapag strange yung toilet pano na lang kaya kung sa pinas kami tumira? baka magkasakit sila sa pagpigil sa ihi.


  8. meron nito sa youtube te kengks.


  9. hey,blog ka naman ulit. dito na lang ba natatapos to? sa kubeta? cr na lng lagi nakikita ko sa rss mo :(


Leave a Comment